Lunes, Oktubre 3, 2016

Wais tips on buying pillows, infant beddings and wedding gifts

Hi, naisipan ko lang ulit buksan ang blog ko at magcompose ng new entry. Actually, ginawa ko itong blog na ito para maishare ang mga tipid tips para sa mga gaya kong misis, moms and soon to be moms like me.

Anyways, what I will share today are tips regarding direct selling. Actually dati na ako nagpapamember ng isang Direct Selling Business (Avon), but ginagawa ko yun for my personal consumption. Sayang din kasi yung matitipid mo if bibili ka pa sa agent ng wala or limited ang discount. 

Last Sunday, nagpunta kami ng asawa ko sa Starmall Shaw para bumili ng pillows. Medyo luma na kasi yung mga pillows na gamit namin and hindi na rin ganun kalinis. Gusto ko sana wag muna palitan kaso kinakailangan na talaga, hindi na rin ako comfortable na gamitin sya lalo sa pagtulog and medyo nagshrink na rin.



And then naisip ko ang Dakki. Magagandang klase ang products ng Dakki actually kapresyo sya ng mga nasa mall kung titignan mo yung price. Nga pala dati libre ko lang nakukuha yung unan ko kakaipon ko ng points sa hallohallomall.com. Magsusulat ako ng separate entry about dun kung papano sya gawin. 

First thing I did is magparegister sa Dakki. May nakita akong stall sa starmall na nakapaskill yung logo ng Dakki, akala ko yun na yung main branch hindi pala pero ok lang din kasi nahanap ko yung main branch sa second floor kinabukasan at pinaregister pa din ako dun nung recruiter ko. Bumili ako ng starter kit in the amount of Php350.00. Well ok naman sya may brochure na and isang maliit na unan at isang simpleng bag. Nga pala isa pang purpose ko sa pagregister sa Dakki is yung pagbili ko ng beddings ni future baby boy ko hehehe. Kailangan ko ng hypoallergenic na beddings para sa kanya at mas makakatipid ako kapag dealer ako dahil 50% off ang discount ng dealer sa infant's beddings while 40% off naman yung mga infants' pillow set. May mga code yun and they will explain it to you kapag nagpamember ka as dealer. 






Well ang binili ko ay isang pillow essential 2-in-1 i.e. king pillow size. Actually pang king size yun na bed. Ireregalo ko yun sa kasal ng isang close friends namin na couple na ikakasal ng December. Cash sana ibibigay ko kaya lang narealize ko may bahay na kasi sila kaya dapat gamit nalang. Magaling din kasi sa buhay yung couple na yun nakakabilib din sila at magandang gawing inspiration. Tapos dadagdagan ko nalang ng pillow case na cotton na may nakalagay na husband and wife hehehe parang medyo customized naman ding tignan. Kung sa mall ko yun bibilhin baka pillow lang mabili ko dahil mahal yung mga ganung klase. Feeling ko kahit ano ibigay ko sa dalawang yun matutuwa na sila. Anyway hindi ako makakapunta sa kasal nila ng December dahil kabuwanan ko na nun kaya balak ko pagkabigay nila ng invitation iaabot ko na yung gift naming mag-asawa sa kanila.  




Bumili din ako ng tatlong king size pillow na gagamitin naming mag-asawa. Luckily, naka 60% off ang unan ng dakki that time na cartoon characters hehehe. Dalawang 60% off ung binili namin (Php275.00) each and isang 50% off (Php347.50). Ang regular price ng pillow is Php695.00 so malaki din natipid namin. Ang total savings namin sa pagbili ng unan last weekend is Php1,181.50. Dapat kasi 2085 yung price nun, bale 903.50 lang ang binayaran ko, swinipe ko pa sa card hehe. (I'll be posting a separate entry about Wais Tips sa credit card :))

Babalik ako dun next weekend to pick up yung pillowcase para sa wedding gift namin which I mentioned awhile ago and I will claim din yung free tag na "best wishes" for the pillow set. Bibili na din ako ng bag na pang kasal Php70.00 yun sa Dakki elegante nang tignan at kasukat na nung dalawang pillow. Bibili pa din ako ng isang set ng teen pillow naman para din sa ikakasal na co-teacher ni hubby sa December with bag na din. Yun yung may nakalagay na "Soul Mates" kasi soulmates daw sila sabi ni husband. Future Godparents kasi sila ni baby boy kaya kahit di kami makakapunta iaabot nalang ni hubby maybe sa Christmas Party nila yung gift namin. So yun lang napagod kaming dalawa lalo na ako kasi I'm pregnant pa, pero mas gusto ko na kasi matapos lahat ng gawain ngayon sigurado mas mahirap naman kumilos kapag kabuwanan ko na. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento