Hi wais moms, this idea is not mine. It's from Bo Sanchez of truly rich club. Maganda po itong subukan at hindi niyo na masasabing wala kayong maipapamana sa inyong mga anak :)
Here's a way to secure baby's financial future. Invest P10 a day. From the day you give birth, all the way till your child turns 18 years old. Can you do that? That's only P3,650 each year for 18 annual contributions. Invest this amount in the stock market and make it grow at 12% a year. What will happen?
By 18 years old, your kid will have P203,480. "That's nice Bo. But nothing impressive." Wait. I'm not finished yet. Let that investment keep multiplying year after year after year. By the time your child reaches 65 years old, she'll have P40million Wild.
You could also do this: Let Lolo or Lola give a onetime gift of P27,000 to the baby in the first month of his life. Invest it in the stock market. And the results will be the same P203,480 when he reaches 18 and P40million when he reaches 65.
Crazy but ture. That's the magical power of compounding...
Well this is actually true when it comes to investing in stock market. Nagstart na din ako mag invest dito last January 2016. I'm sure of that kasi I'm a full pledged Certified Public Accountant and I have a background in finance. Investing is not actually gambling, trading is.
Hindi ka din naman kailangan matakot if wala kang knowledge about stock market or wala kang time. Pwede kang magsubscribe sa Truly Rich Club ni Bo and with a small amount you can act like expert na when it comes to choosing companies where you can buy stocks. hehe Here's a sample of his SAM table, very easy to follow lang.
If you want to subscribe just click this link: http://ladyrose1130.trulyrichclub.com/
Happy Investing!
Huwebes, Oktubre 6, 2016
Lunes, Oktubre 3, 2016
Uberpool
Hi everyone, have you tried uberpool yet. Actually blessing talaga sa akin ang uberpool especially now that Im on my third trimester of pregnancy. I used to ride a tricycle(special), a short walk, another tricycle(pila) and a loooong walk on my way to work. My way is from Boni Mandaluyong to Jupiter Makati. Well ok lang naman siya if normal yung situation ko exercise pa nga. Except siguro during rainy days na medyo madulas at basa ang daan. I spend 70 pesos kung magcocommute ako roundtrip and pag uber pool naman is nasa 120 pesos. Mas mahal siya ng 50pesos pero yung comfort naman ay hindi matatawaran. By the way I also spend pala sa internet pag nag uberpool ako and it cost 100 pesos for 5days. However in times na nakasurge ang uber umaabot ako ng 180 pesos one way palang. Well no choice ako kasi kailangan ko ingatan ang pag carry kay baby. Medyo gipit sa budget mga wais moms pero if titignan mo yung benefit of riding uberpool, it is still is higher than its cost. Try niyo nalang din. All you have to do is download the app. Pwede na kahit walang credit card. You can use my code din para magkafree ride kayo worth 200 pesos. Just click on the promotion tab and enter wzbpbursue in the add code button.
Wais tips on buying pillows, infant beddings and wedding gifts
Hi, naisipan ko lang ulit buksan ang blog ko at magcompose ng new entry. Actually, ginawa ko itong blog na ito para maishare ang mga tipid tips para sa mga gaya kong misis, moms and soon to be moms like me.
Anyways, what I will share today are tips regarding direct selling. Actually dati na ako nagpapamember ng isang Direct Selling Business (Avon), but ginagawa ko yun for my personal consumption. Sayang din kasi yung matitipid mo if bibili ka pa sa agent ng wala or limited ang discount.
Last Sunday, nagpunta kami ng asawa ko sa Starmall Shaw para bumili ng pillows. Medyo luma na kasi yung mga pillows na gamit namin and hindi na rin ganun kalinis. Gusto ko sana wag muna palitan kaso kinakailangan na talaga, hindi na rin ako comfortable na gamitin sya lalo sa pagtulog and medyo nagshrink na rin.
And then naisip ko ang Dakki. Magagandang klase ang products ng Dakki actually kapresyo sya ng mga nasa mall kung titignan mo yung price. Nga pala dati libre ko lang nakukuha yung unan ko kakaipon ko ng points sa hallohallomall.com. Magsusulat ako ng separate entry about dun kung papano sya gawin.
First thing I did is magparegister sa Dakki. May nakita akong stall sa starmall na nakapaskill yung logo ng Dakki, akala ko yun na yung main branch hindi pala pero ok lang din kasi nahanap ko yung main branch sa second floor kinabukasan at pinaregister pa din ako dun nung recruiter ko. Bumili ako ng starter kit in the amount of Php350.00. Well ok naman sya may brochure na and isang maliit na unan at isang simpleng bag. Nga pala isa pang purpose ko sa pagregister sa Dakki is yung pagbili ko ng beddings ni future baby boy ko hehehe. Kailangan ko ng hypoallergenic na beddings para sa kanya at mas makakatipid ako kapag dealer ako dahil 50% off ang discount ng dealer sa infant's beddings while 40% off naman yung mga infants' pillow set. May mga code yun and they will explain it to you kapag nagpamember ka as dealer.
Well ang binili ko ay isang pillow essential 2-in-1 i.e. king pillow size. Actually pang king size yun na bed. Ireregalo ko yun sa kasal ng isang close friends namin na couple na ikakasal ng December. Cash sana ibibigay ko kaya lang narealize ko may bahay na kasi sila kaya dapat gamit nalang. Magaling din kasi sa buhay yung couple na yun nakakabilib din sila at magandang gawing inspiration. Tapos dadagdagan ko nalang ng pillow case na cotton na may nakalagay na husband and wife hehehe parang medyo customized naman ding tignan. Kung sa mall ko yun bibilhin baka pillow lang mabili ko dahil mahal yung mga ganung klase. Feeling ko kahit ano ibigay ko sa dalawang yun matutuwa na sila. Anyway hindi ako makakapunta sa kasal nila ng December dahil kabuwanan ko na nun kaya balak ko pagkabigay nila ng invitation iaabot ko na yung gift naming mag-asawa sa kanila.
Bumili din ako ng tatlong king size pillow na gagamitin naming mag-asawa. Luckily, naka 60% off ang unan ng dakki that time na cartoon characters hehehe. Dalawang 60% off ung binili namin (Php275.00) each and isang 50% off (Php347.50). Ang regular price ng pillow is Php695.00 so malaki din natipid namin. Ang total savings namin sa pagbili ng unan last weekend is Php1,181.50. Dapat kasi 2085 yung price nun, bale 903.50 lang ang binayaran ko, swinipe ko pa sa card hehe. (I'll be posting a separate entry about Wais Tips sa credit card :))
Babalik ako dun next weekend to pick up yung pillowcase para sa wedding gift namin which I mentioned awhile ago and I will claim din yung free tag na "best wishes" for the pillow set. Bibili na din ako ng bag na pang kasal Php70.00 yun sa Dakki elegante nang tignan at kasukat na nung dalawang pillow. Bibili pa din ako ng isang set ng teen pillow naman para din sa ikakasal na co-teacher ni hubby sa December with bag na din. Yun yung may nakalagay na "Soul Mates" kasi soulmates daw sila sabi ni husband. Future Godparents kasi sila ni baby boy kaya kahit di kami makakapunta iaabot nalang ni hubby maybe sa Christmas Party nila yung gift namin. So yun lang napagod kaming dalawa lalo na ako kasi I'm pregnant pa, pero mas gusto ko na kasi matapos lahat ng gawain ngayon sigurado mas mahirap naman kumilos kapag kabuwanan ko na.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)